May 23, 2016
Gusto kong i-share sa inyo ang experience namin sa pagsakay ng Bus Ferry sa Pasig River. Kasalukuyan pong may 7 stations ang nag-o-operate para sa pampublikong serbisyo.
- Intramuros (Plaza Mexico) Ferry Station, Manila City
- Escolta Ferry Station, Manila City
- PUP Ferry Station, Manila City
- Sta. Ana Ferry Station, Manila City
- Guadalupe Ferry Station, Makati City
- San Joaquin Ferry Station, Pasig City
- Pinagbuhatan Ferry Station, Pasig City
Noong nakaraang taon 2015, bago ang Pasko, naisip naming mag-asawa na sumakay dito para lang ma-experience at makaiwas sa traffic.
Usually, 1.5 hours to 2 hours ang byahe galing sa lugar namin sa Santa Ana, Manila papuntang Divisoria.
Dahil nakakapagod at nakakainip lang ang ganung klase ng byahe, naisip naming mag-asawa na mag-Ferry.
P30 ang isang tao galing Sta.Ana papuntang Escolta. Magmula sa Escolta, kaunting lakad o maiksing sakay na lang iyon papuntang Juan Luna St. sa Divisoria.
Para sa schedule at presyo ng pamasahe narito po ang link ng MMDA: Ferry Schedule and Fare Price
Kakaibang experience ang public transportation na ito dahil bukod sa tubig ang byahe na walang traffic e, mabaho at madumi ang malalanghap mo dito. (Haha) Itatawa ko na lang ito, pero nakakalungkot kasing isiping napabayaan natin ang Ilog Pasig. Mas nakakalungkot isiping nasa likod lamang ito ng Malacañang. Nagkalat ang basura, plastic, styro, tsinelas, damit, dumi ng tao at iba pa. Pero kahit ganun, may mga isda pang nabubuhay sa ilalim nito, at may mga batang naliligo sa kabila ng mabaho at madumi nitong kalagayan.
Mas masarap sigurong bumyahe dito araw-araw kung mas malinis ang tubig at mas mapangangalagaan ang facilities ng bawat istasyon. Mapapansin po ang mga kinakalawang na ramp pasakay ng Ferry at ang paligid na tila nakalimutan na ng panahon.
Pansinin ang basurang nakalutang sa Ilog Pasig Photo by Princess Argarin |
May mga foreigners ding sumasakay dito at sa naaalala ko eh sa bawat sakay ko, may nakakasabay akong dayuhan na malamang eh para ma-experience din ang pagsakay dito.
Sige ang pagkuha nila ng picture sa madadaan-- bahay na tagpi-tagpi sa gilid at sa ilalim ng mga tulay, pati na ang kumpul-kumpol na basura sa madadaan, malas lang pag natalsikan ka ng tubig.
Wala akong masasabi sa mga empleyado, lahat sila ay mababait at accommodating. At ang mas maganda doon ay hindi nadedelay ang byahe, laging on-time. Kung may aberya man ay agad kang aabisuhan. May ilang MMDA din na magpapa-alala na bawal ang magpicture sa paligid ng palasyo ng Malacañang, may ibang magpapa-alala na may life vest sa ilalim ng bawat upuan at magsasabi ng ibang bagay na hindi pwedeng gawin.
Ang mga bata ay mahigpit na ipinagbabawal na tumayo habang umaandar. (Ferry Guidelines)
Payo ko sa ibang nagbabalak sumakay, maghanda po kayo ng panyo na may pabango, alcohol (kung sakaling matalsikan kayo ng tubig), pamaypay at inuming tubig sakaling mainitan at mauhaw.
Naka ilang beses nadin akong bumyahe at sumakay nito kung kaya't inirerekomenda ko pa ring subukan nyo ang pagsakay dito.
To all the readers, please help me by sharing this article para umabot sa ating bagong presidente, muling halal na Mayor Joseph Estrada at sa magiging Secretary ng DOTC.
Ito ay isa lamang sa mga options for public transportation na hindi nabibigyang pansin ng pamahalaan at ng ibang sangay ng gobyerno.
Para sa mga kababayan ko, pagmasdan niyo ang tubig, may mga isda pa hong nabubuhay sa ilalim nito, wag na po nating dagdagan ang kalat at dumi. Wag po sana tayong maging kabilang sa krimen ng tuluyang pagpatay sa Pasig River.
Ang susunod na 2 larawan ay kuha noong 2008 by © CEphoto, Uwe Aranas / (
Taken in 2008 Manila, Philippines: The Post Office Building and the Pasig River, seen from the Jones Bridge https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Manila_Philippines_The-old-Post-Office-Building-01.jpg |
Dito kapansin-pansin ang naipong basura sa paligid ng tubig ng Post Office Building.
|
Sinong mag-aakala na may ganitong scenery ang Pasig River? Ang mga larawan ay unfiltered at kuha lamang gamit ang camera phone.
Hindi ba't maganda ang kalikasan? Sana pangalagaan natin ito at wag nang sirain, tapunan ng basura at tuluyang hindi mapakinabangan.
Sana mabigyang pansin ito ng pamahalaang Rodrigo Duterte o Mayor Joseph Estrada.
Sana matutunan din po nating magtapon ng basura sa tamang lalagyan.
#ChangeStartsWithMe
Sunset by the River |
Who would've thought that this is Pasig River Sunset? |
Comments
Post a Comment